( ang liham na ito ay para sa isang tao na lubos kong minahal - kasama na don ang mga pasakit, pagkakamali at sakripisyo. Idadaan ko nalang ang lahat ng ito sa liham - ang "bukas na liham" para sa iyo. )
Aking mahal,
Patawad.. - marahil ilang beses mo na itong narinig sa akin at hindi lingid sa akin ang napakalawak mong pagiintindi sa lahat ng pagkukulang ko.
Masakit isipin at mahirap tanggapin ang ating paghihiwalay ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sinubok tayo ng panahon, sadyang pinaglaro ang bawat araw na tayo'y magkalayo.
Naging marupok ang bawat isa sa atin - mapusok sa ilang mga bagay. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa atin - isa lang ang naging sigurado ako - naging tapat ako sa pagmamahal sa'yo.
Kung nasan ka man, gustokong malaman mo na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo. Alam ko masaya ka ngayon kasama ng mga bago mong kaibigan, pamilya at kung hindi ako nagkakamali ng bago mong pag-ibig.
Sana maalala mo ako kahit minsan.
Iibigin na lamang kita sa sarili kong paraan.
---------- dada --------------
( pahina 1)
dapat ba magtampo?
Lately, nagkausap na tayo, halos araw araw kitang tinatawagan. Okay lang yun kahit mahal walang problema as long as makausap lang kita. Haay almost everyday sice new year and then lately di ka na sumasagot sa tawag ko.
Hmpp, dapat ba akong magalala or magtampo? Wala lang, kasi nung isang araw nagchat pa tayo after ng work ko, kahit pareho tayong puyat atleast nakapag usap tayo. Masaya na sana kasi in a way naaayos at napaguusapan natin kung san nagkamali.
Uhm, pero after that balik nalang ba ulit tayo sa dati? Bigla ka nalang di kokontak at hahayaan akong magisip ng todo kung ok ka lang?
Nakakalungkot naman, katatapos lang ng birthday ko ( parang 3 days lang ang nakalipas noh) bigla ka naman ng nawala.. Haay , ganito ba talaga pag mahal mo?Iintindihin mo nalang lagi?..
Hmm , wala naman akong karapatan in the first place pero naisip ko lang dapat ba akong MAGTAMPO?...
haaaayyyyy ... ewan...

Posted by
proudpinoy
0
comments
Labels:
dapat ba magtampo?
Subscribe to:
Posts (Atom)