Nagyeyelong Pasko

Madami sa mga kababayan natin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang nalulungkot sa tuwing sasapit ang pasko.
Bagaman nakasanayan na natin sa Pinas na ipagdiwang ito kahit na ang iba'y naghihikahos, pinipilit nating iraos ang pinaniniwalang importanteng araw sa buong taon ngunit ang mga mahal natin na nasa malalayong lugar ay pawang mga de makinang laruan na sa araw na ito may nakaugnay ng gagawin.
Ang iba sa ating kababayan ay may hawak na gitara, piano at mikropono na pinipilit pasayahin ang ibang tao na masayang nagpipyesta sa restaurant o hotel, malungko't may , trabaho ang hinaharap kahit sa kabila nito'y nalulungkot din.
Ang iba naman'y hawak ang kanilang mga alagang bata, plantsa o kaya'y nasa kusina naghahanda para sa ibang pamilya. Nakakalungkot di ba?!!
Mayroon din nasa gitna ng karagatan , pumaroo't pumarito ngunit di matigil sa sariling tirahan nito.
Ako?.. Di nalalayo sa kanila - malayo sa pamilya - malungkot, nagdurusa ngunit ito'y pinili ko rin - mga pangarap na unti unting kinakamit.
Saan ka man sa mundo, ngumiti ka pagkat di ka nagiisa.

No comments:

Post a Comment