( ang liham na ito ay para sa isang tao na lubos kong minahal - kasama na don ang mga pasakit, pagkakamali at sakripisyo. Idadaan ko nalang ang lahat ng ito sa liham - ang "bukas na liham" para sa iyo. )
Aking mahal,
Lumipas ang dalawang taon na walang komunikasyon sa pagitan nating dalawa. Sa kabila non, walang araw na lumipas ang hindi kita inalala - inisip na kung nasan ka man sana'y ok ka.
Nawalan ako ng tapang at lakas upang kausapin ka. Nahiya at higit sa lahat nanghinayang sa nasira nating pagmamahalan. Gusto ko mang sabihing subukan ulit natin - alam kong hindi ka na rin papayag sapagkat kasalukuyang ka ng may ibang mahal. masakit...
Sa pamamagitan ng sulat kong ito, sana'y malaman mo na hindi nagbago ang pagmamahal ko. Idadaan nalang sa sulat ang bawat araw na pagkasabik ko sa iyo. Inaasahan ko kahit na nasa magkabilang mundo tayo - sana maalala mo ang ngiting minsa'y pumukaw sa puso mo.
----- dada-----
( pahina 2 )
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




No comments:
Post a Comment